On this lesson, fundamentals naman ng network cabling ang ating pag-uusapan. Mahalaga din na maintidihan natin ito dahil malaki ang maitutulong nito sa ating CCNA career. Dadaanan lamang natin ang mga ito para magkaroon tayo ng idea, para makapag-simula na tayo sa ating mga lessons about Cisco.
Types of network cabling
Meron tayong 3 common types of network cabling sa ethernet technology. Ito ay ang mga sumusunod: coaxial, twisted pair, and fiber-optic cabling. Usually karaniwang ginagamit ang twisted pair sa LAN pero sa malalaki at advance na mga network, fiber-optic cabling ang ginagamit nila.
Let’s see kung papaano sila nagkaka-iba iba.
1. Coaxial cabling
Ang isang coaxial cable ay merong “inner conductor” sa loob ng kanyang wire. Nababalutan ito ng iba’t ibang layer ng insulator na nababalot din ng ibang conducting shield. This type of cabling comes in two types, thinnet and thicknet.
To give you an idea how does it look like, ito ang image na galing sa wikepedia.

Ang mga coaxial cable ay may maximun transmission speed of 10Mbps. Before, ito ang ginagamit sa internet at network access(noong panahon pa ng dinasour). Pero gaya nga ng nabanggit natin, mostly twisted pair or fiber-optic na ang sikat at karaniwang ginagamit ngayon.
2. Twisted-pair cabling
Ang twisted-pair cable naman ay mayroong 4 pair of wires. The four main colors are orange, blue, green and brown. Then each of the wire is naka-twist sa isang white wires.
The wires are twisted around each other para maiwasan ang crosstalk at outside interference. Gaya nga ng nabanggit natin kanina, ito na ang karaniwang nakikita natin sa mga home at small network ngayon. Karaniwang ginagamit din ang twisted-pair cable sa linya ng mga telephono.
Makikita ninyo sa example image natin sa baba ang isang unshielded twisted-pair cable with different “twist rates“. The image is taken from wikipedia.

Two types of twisted-pair cabling
- Shielded twisted pair
- Unshielded twisted pair
Ang pinag-kaiba nitong dalawang klase ng twisted-pair cable ay ang shielded twisted-pair merong additional layer of insulation to protect the data from outside interference. Ang unshielded(from the word itself) ay walang insulation. Ang karaniwang ginagamit natin sa computer networking ay ang 3 UTP(unshielded twisted pair) categories na sumusunod:
- CAT5 – 100mbps capacity
- CAT5E – 1000mbps
- CAT6 – more than 1000mbps
Ang mga ito ay basics and understandable na so hindi na natin lalaliman at himay-himayin dahil madali naman itong maintindihan. Most of the time(from experience) sa enterprise networks, network cabling are handled by a separate team or di kaya naman a contractor.
Bilang isang CCNA at network engineer, sa configurations at concept ng routing at switching ang pinaka-main concern natin.
The TIA/EIA standard
Sa network cabling, meron tayong tinatawag na TIA/EIA standard. Ito ay isang set ng telecommunication standards created by Telecommunications Industry Association (TIA), an offshoot of the Electronic Industries Alliance (EIA). Ang standards na ito ang nag-aaddress sa mga commercial building cabling for telecommunications products and services. Ang EIA/TIA standards din ang nag-define ng T568A at T568B standards.
T568A
Sa T568A, ang unang kulay ng wire(from left to right) ay white green at kasunod ang green then white orage, blue, white blue, orange, white brown then brown.
T568B
Dito naman sa T568B, naka-swap ang pair green and orage na kulay ng mga wires natin. Meaning, ang unang kulay ng wire(from left to right) is white orange, orange, white green, blue, white blue, green, white brown and then brown.
Here’s a photo of T568A and T568B to help you understand them better.

The only difference is the position of pins 1,2,3 and 6.
You got it?
3 Types of UTP implementation
1. Straight through

Ito ay ginagamit sa pag-connect ng different devices together(example: pc to switch or switch to router). Kapag sinabing straight through, it’s either T568A then T568A din sa kabila or T568B then T568B din sa kabilang dulo. See image above courtesy of ground control.
2. Cross-over

Cross-over cable naman ang ginagamit sa pag-connect ng “same devices“. Halimbawa, switch to switch or pc to pc. Ang diskarte naman ng cable nito ay T568A tapos T568B sa kabilang dulo or vice versa. See above example from groundcontrol.
3. Roll-over
Ito naman ang karaniwang ginagamit na cable sa mga console cable. Halimbawa, mag-coconnect ka sa router through console or coconnect ka sa switch through console port. Ang mga console cable ay naka-roll over.
Ibig sabihin, kung T568A, ang pin 1 sa isang side ay katapat naman ng pin 8 sa kabilang side.
3. Fiber optic cabling
Last sa ating basic network cabling topic ay ang fiber or fiber optic. Sa mga malalaking network at advance na network, usually fiber optic cable na ang karaniwang ginagamit.
This type of cabling uses optical fibers to transmit data in the form of light signals. Ito rin ang kadalasang ginagamit sa mga data centers.
Ang fiber optic cabling ay kayang mag-support ng mas mahabang linya at malayong distance kesa sa mga network cabling na nabanggit natin sa taas. Immune din ang fiber cable sa electromagnetic interference kaya malaki ang pinag-kaiba ng speed at quality ng communication. Ito na ang pinaka-magandang uri ng network cabling so far pero ito rin ang pinaka-mahal ang presyo.

Two types of fiber optic network cables
- Single-mode fiber – uses only a single ray of light to carry data. Ito ay mas mabilis pero syempre mas mahal. Mas mabilis siya kasi mas maliit ang “core” nito at naka-focus ang “liwanag”.
- Multi-mode fiber – uses multiple rays of light to carry data. Mas mura kesa sa single mode fiber kaso hindi kasing bilis ng data transfer ng single mode fiber. Mas mabagal ito kesa sa single-mode dahil “kalat” or sabog ang liwanag(or mas malaki ang core) inside the fiber optic.
We’re good?
This summarize our lessons for network cabling. By this far, you should now understand the basic and fundamentals of network cables at kung papaano sila ginagamit sa network.
Here are some common examples kung paano at saan natin ginagamit ang mga network cables na napag-usapan natin.

In real world, meron talagang mga specialist or mga company na nagpo-provide ng cabling services. Ang karaniwang tawag dito ay structured cabling. Sila na ang bahalang maglatag at mag-linya ng mga network cables natin from end stations like desktop computers, printers, etc. (accroding to our design) papunta sa ating mga IDF and MDF.
Bilang isang CCNA at network engineer, mahalaga na maunawaan at malaman natin ang gamit at konsepto nito.
We can use this information for troubleshooting network related issues at sa pagdedesisyon sa pag-organize at pag-maintain ng ating network.

sulit to…keep posted idol!
Thanks idol Vince! More to come kaya stick around lang. 🙂
Hi Sir Billy,
Ito po ulit c mel. Tanong q lng po kailangan rin po ba namin mapagaralan kung pano gawin or ayusin ung mga cables sa twisted pair cabling para maging isang CCNA? at meron po ba keo video or lesson para sa pagaayos at amg mga kailangan para malaman ang pagaayos ng twisted pair cabling at paglagay sa rj45?
Pasensya na po keo d tlga aq marunong sa mga ganito.
Ndi naman pero kelangan naiintindihan mo ksi may mga troubleshooting na may kinalaman sa cabling. As long as naiintindihan mo ang mga basic at fundamentals oks na un.
Super Helpful. THANK YOU. Napakalaking tulong nitong blog mo Mr. Billy.
God bless and Keep Posting.
Thanks!
tnx sir Bily
Hi Sir Billy,
Idol…Tanong ko lang po bakit mas mabilis ang pag transfer ng data ng Single mode fiber kay sa Multi-mode fiber?
Mas maliit ksi yung diamerter ng single mode so yung light hindi nagsspread hindi kagaya sa multi-mode malawak ang diameter naka-spread yung light. Kumbaga si single mode is laser-focused. I hope you get my point idol. Salamats!
idol naintidinhan ko un difference ng T568A at T568B, ang question ko is anong advantage ng T568B or pag swap pair ng 2 and 3?
pwede din ba sabihin na ang T568A e katumbas ng straight through at ang T568B ay cross-over?
ang difference lang ba ng dalawa is un T568A is for different devices at T568B ay para sa same devices?
salamat!
Yes!
hi Idol billy, gusto kong mag pasalamat sayo dahil na inspire mo ako na i-pursue ko ang pagkuha ng CCNA exam.
Welcome idol Mar!
Sir pwede mag tanong? A no po yung category of utp cable?
Hi Sir Billy,ok lang po ba magtanong?Aling kulay po sa UTP cable yung para sa internet?at alin din po dun yung para sa power source at para naman sa phone?
SIR BILL .
May question lang po ako about sa Fiber Optic cable.. meron din po bang color coding gaya ng twisted?o meron ng nakalaan na example. device to device and device to another device.
salamat po !!
Meron mga type like LC-LC, SC etc. pero hindi naman na kasama sa CCNA. Isa pa, we don’t worry too much on cabling kasi kadalasan meron contractor na nag-ssupply niyan. More on routing at switching si CCNA. Salamats!
hi po kuya billy ano pobang dapat matutunan sa tamang paraan na paggawa n ng ethernet cable answer back po thankyouuu
post lang ng post po idol pleaseeee maraming salamat ulit 🙂
thank you idol.. hehe
Ask ko lang po sir billy ano po kaibahan ng mga cat5e sa cat6