Hello mga aspiring CCNA in the Philippines. Welcome sa ating unang networking lesson. On this article, ididiscuss at isha-share ko sa inyo ang basic and fundamentals of a network. Kagaya nga ng sinabi ko, tagalog or taglish ang mga lessons natin para mas maintindihan at mas maunawaan ng ating mga kapwa Pinoy. Let’s go!
What is a network and How it works?
Ano nga ba ang network? Sa isang hindi technical na tao or hindi I.T person, kapag sinabing networking iisipin nila na ito ay yung mga nagbebenta ng mga sabon or mga herbals at nag-rerecuit ng mga “downlines” para kumita. Yung mga nagpapamaypay ng pera at sumisigaw ng “power!”. Haha, joke lang po. Pasintabi sa mga networkers. Mali po. Hindi po yun ang inaaral at aaralin natin. Hindi po multi-level marketing ang tinutukoy natin dito.
In technology world, ang network ay combination or grupo ng mga computers at devices connected together na nakaka-pag communicate sa bawat isa. Nagkikita-kita at nagkakapag-usap sila sa pamamagitan ng mga “network standards and protocols”. Ibig sabihin, pwede silang mag-share ng mga resources at services to each other.
For example, two computers connected to each other is considered a network.
Dito sa ating example, ang dalawang computers na ito ay directly connected sa pamamagitan ng network cable. At ito ay matatawag na natin na isang network. Maari na silang “magkita at magusap” and then kagaya nga ng sinabi natin kanina, mag-share ng resources at services. They can exchange data back and forth.
In a much larger view, ang network ay binubuo ng multiple computers and devices interconnected to each other sa pamamagitan ng mga networking equipments. Halimbawa na lang ay ang hub, switch at routers. Ididiscuss natin ang mga ito sa susunod. Here’s another example of a network having multiple computers and devices.
Dito naman sa example natin sa taas, makikita n’yo na multiple devices na ang connected sa ating network. At lahat sila ay “nagkikita-kita at naguusap-usap” sa isa’t isa para makapag-process at maka-pagshare ng data or services. Para lumaki ang ating network, pwede pa tayong mag-connect ng panibagong “hub or switch” sa “hub or switch” na nasa gitna and then mag-connect ng panibagong mga computers at devices. And it can goes on and on.
Ito ay simpleng example pa lamang ng isang maliit na network. Sa mga businesses at organizations ngayon, ang network ay binubuo ng daan-daan or libo-libong computers at mga devices connected to each other. Network ang nagsisilbing tulay para makapag-communicate at makapag-process ng information ang mga company at ibang institutions today. At hindi lamang limited sa isang location or lugar, they can be inter-connected overseas or “virtually anywhere”.
Dito pumapasok ang Cisco or ibang networking equiment vendor. Sa mga malalaking network gaya ng network ng mga fortune 500 companies, governments and other organizations, kelangan i-manage at i-maintain ang network para sa pag-unlad at security ng business or organization. Network serve as the “backbone and nerve” of almost every company and organizations today. We can safely say na kung walang network, wala ring civilizations like what we have today.
Bilang isang CCNA, or let say isang network administrator, ang role at responsibility natin ay imaintain ang network or ang connections ng mga computers at devices na ito. In a more technical terms, tayo ang mag-mamanage ng mga “path” or daanan ng mga computer at devices na ito kung pano sila “magkikita-kita or maguusap-usap”. Tayo ang mag-coconfigure ng mga networking devices kagaya ng Cisco switches and routers para ma-establish ang connections nila sa isa’t isa. Tayo rin ang mag-coconfigure ng mga “standards and protocols” kung papaano sila magkikita-kita or mag-uusap usap. Yun ang mga ididiscuss natin sa mga susunod na lessons. For now, hanggang dito na lang muna.
Hopefully na-explain ko ng simple at maayos ang ibig sabihin ng network. Sana ay may natutunan kayo. Please don’t forget to subscribe via email or like our facebook page for updates. Until next time, salamat.

Thank so much man, this will really help me a lot since I’m a beginner my self, and I’m interested in learning ccna, tnx. Man
Hi Sir Billy thanks for sharing this. This will help to those who are planning to take the CCNA exam.
Welcome Frank!
Got it sir.
Hello sir, thank you for sharing your ideas. God Bless
Welcome Joefre!
SOLIDD KA IDOL SALAMAT SA INPUT!
Sir u should be the next president! I’m already 27 yrs old, tapos baka next year pa ko makagraduate, for the mean sobrang helpful ng gantong blog para sakin. God bless you and your family!!
Haha! Thanks Joseph!
Wow ang galing mo naman Sir Billy. Thank you for sharing this blog. This helps me a lot.
Welcome Ellen. 🙂
I just noticed na bakit parang walang topic about network devices like Routers, Switch, Firewalls, Load Balancers etc.
Hmmm. You may not have read them yet Gen. Go here. 🙂
i got it! thanks for the guide sir!
Maraming salamat po at na enlighten po ako, yes im a computer engineering graduate pero gusto kong mag review na easy lang like ma intindahan agad para sa darating na araw e share ko din ito sa iba salamat po.